Saturday, October 04, 2008

IKAW:)

Ikaw

Nung una tayong nagkita, animoy delubyo’ng dala
Nung tayo’y nagkakilala, lahat ay maling akala
Isang mabuting kaibigan, sadyang sayo ay nakita
Parang magandang samahan, dulot saki’y ligaya

Isang pagkakaibigan na wala nang katapusan
Tuwing ika’y makikita, ang tuwa’y walang hanggan
Kapag ikay nalulumbay, ikaw ay pasisiyahin
Anu mang mangyari sakin, lahat ay aking gagawin

Ako ay naguguluhan sa aking nararamdaman
Marami nang pagbabago sa ating pagsasamahan
Hanggang dumating ang oras sa akin ika’y umamin
Ikaw pala ay mayroong isang lihim na pagtinggin

Ngayon ako’y nalilito kung ikaw nga ba talaga
Dahil mahal narin kita, tanggap ko ang ‘yong pagsinta
Ikaw ay nangako sa’kin, hindi sasakta’t iiwan
Tunay na pagmamahalan walang hahadlang sinu man

Ngunit ano ang nangyari, tila ako’y nasasaktan
Nagtatanung sa sarili, ano nga ba ang dahilan
Hindi ko alam kung bakit, pakikitungu’y nag-iba
May pagkukulang ba ako, o sadya bang ayaw mo na?

oh ayan na:))
wahahah
laitin mu
wala aku paki
:P

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home